Home » Post Item » Hibernating??
Hibernating??
October 4, 2008Saan ba ako nagsusuot nung mga nakaraan buwan? Hmm. Cliche pero, naging busy talaga ako sa school at sa thesis namin noon. Ang dami ko din extra curricular work. (ndi naman monkey business)
Sa tutoo lang ayaw ko na magblog ulit.
Namuo na sa akin ang inggit na ang daming magagaling na blogger. Syet. Sabay, ang mommy ko laging gamit ang PC. Hahahaha. Tapos, ang boring ng buhay ko. Super. Eh anong ikwekwento ko? Tapos.. Naadik ako sa multiply. Pero kung sisilipin mo ang multiply ko wala naman akong masyadong napost. Ang tutoo naadik ako tumingin sa mga online shops. (bumubulong ang aking konsensiya.. sinabing ndi lang ako tumitingin. Hehehe ako din ay bumili. Shemay!)
So ayun, naadik ako sa pagtingin (at pagbili) ng mga kung anu ano. May mga palpak, may maayos at sa awa ni Lord never pa ako na scam. Hehehe. Pero dahil ayaw ko na muna mamili sa multiply, balik blog muna ako.
Pagtiisan na lamang kung ang mga kwento ko ay boring, or walang wenta.
Kaya yun. Sa susunod ulit.









